Lalaking tsinap-chop kinilala
MANILA, Philippines - Kinilala ng isang babae na live-in partner niya ang lalaking natagpuan na walang ulo at putol ang mga binti sa isang madamong lugar sa Caloocan City kaÂmakailan.
Positibong kinilala ni Jessica Del Rosario na ang lalaking tsinap-chop ay ang live in partner niÂyang si Carmelo VillaÂroel, 22, ng Kaong St., AmÂparo Subdivision, ng naturang lungsod.
Sa pahayag ni Del RoÂsario, dakong alas-4:00 ng hapon noong Hunyo 29 nang umalis sa kanilang bahay ang biktima na kung saan dakong alas-5:30 ng hapon ay nakiÂpagkita ito sa nobyang si Editha De Leon sa San Jose Del Monte, Bulacan at maÂkaÂlipas ang kalahating oras ay naghiwalay na.
Kinabukasan dakong alas-3:00 ng hapon nang makita ang binti ng biktima sa madamong bahagi ng Anahaw St., at nahukay rin ang ulo at ilang bahagi ng katawan ng biktima.
Lumalabas na kahit ka-live ng biktima si Del Rosario ay nobya naman nito si De Leon na sa kabiÂla na may asawa ito na naÂngaÂngalang Esteban BibÂliotica na isang matadero ay nakikipagrelasyon pa rin ito sa biktima at nagsasama sila sa isang bahay sa Maligaya, Quezon City.
Patuloy ang imbestiÂgasÂyon ng pulisya kung ang motibo ng pagpatay sa biktima ay may kaugnayan sa love triangle.
- Latest