4 Bata dedo sa sagasa
MANILA, Philippine s- Namatay noon din ang apat na batang mag-aaral sa elementarya habang tatlo ang grabeng nasugaÂtan matapos na masagaÂsaan ng service vehicle ng Biliran Electric CoopeÂrative habang naglalaro sa harapan ng isang state uniÂversity sa lalawigan ng Leyte kamakalawa ng gabi.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Marvic Joefe, 9 at kapatid nitong si Florence Garis 7; Glori Jane, 12 at kapatid nitong si Maria Rosi BaÂcalla.
Nasugatan at dinala sa Eastern Visayas RegioÂnal Medical Center sa Tacloban City ang mga biktima na kinilalang sina Jennel Napoles, 7; Jea at Cristine Bacalla.
Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi ay kasalukuyang naglalaro ang mga bata sa harapan ng Naval State University na matatagpuan sa highway ng Brgy. San Isidro.
Dito ay mabilis na tuÂmatakbo ang service vehicle ng Biliran Electric Cooperative na minamaneho ni Poncio Balutan at umano ay nawalan ng control sa manibela kaya’t tuluy-tuloy na sinagasaan ang mga paslit na agarang ikinasawi ng apat.
Kusang loob na sumuko ang driver sa pulisya na kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal.
- Latest