^

Police Metro

Miriam muling inihain ang Anti-epal bill

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang panukalang batas na “Anti-epal bill” ang muling inihain ni Senator Miriam Defensor-Santiago na naglalayong ipagbawal ang paglalagay ng panga­lan ng mga pulitiko sa mga ipinapagawa nilang proyekto.

Sa Senate Bill 54 si­nabi ni Santiago na nakaga­wian na ng mga opis­yal sa bansa ang paglalagay ng kanilang mga pangalan sa mga ipinapagawang proyekto kahit pondo naman ng gobyerno ang ginamit dito.

Ang epal ay mula sa salitang “mapapel” isang termino tungkol sa mga taong nais palaging nabibigyan ng atensiyon.

Naniniwala si Santiago na kung magkakaroon ng anti-epal mababawasan ang “unethical practices” sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno.

Sa sandaling maging ganap na batas ang panukala ay tatawaging “Anti-Signage of Public Works Act”.

Ang sinumang mahuhuling lalabag ay papatawan ng parusang pagkakulong ng hindi bababa sa anim na buwan pero hindi lalampas sa isang taon at habambuhay ng hindi makakapagsilbi sa gobyerno.

ANTI

ANTI-SIGNAGE OF PUBLIC WORKS ACT

EPAL

ISANG

NANINIWALA

SA SENATE BILL

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with