^

Police Metro

Tinadtad ng bala… 4 lalaki pinatay sa highway

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pawang tadtad ng mga bala ang apat na lalaki nang ma­tagpuan ang mga ito na nakahandusay sa tabi ng national highway sa Purok 6, Brgy. Sinkatulan, Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling-araw.

Batay sa ulat na natanggap ni Sr. Inspector Benjamin Mauricio, spokesman ng Central Mindanao Regional Police, bandang alas-3:20 ng madaling araw ng i-report sa kanila ng isang concerned citizen tungkol sa pagkakatagpo ng apat na bangkay ng lalaki.

Nagresponde ang mga elemento ng pulisya sa lugar at narekober ang bangkay na pawang naka­gapos at tadtad ng mga bala sa katawan at mukha.

Walang nakuha na pagkakakilanlan ang mga biktima kaya’t inilarawan ang isa na nakasuot ng kulay itim na tshirt at short pants, nasa 5’2” ang taas, katamtaman ang panga­ngatawan at kayumanggi ang balat.

Ang ikalawa ay nakasuot ng sweatshirt na kulay dilaw at asul, na­ka­maong, 5’2” ang taas, ka­tamtaman ang katawan at kayumanggi ang kutis; ang pangatlo ay nakasuot ng sweatshirt na kulay pula na may tatak na Honda at maong pants, 5’2” ang taas at katamta­man din ang pangangata­wan.

Ang pang-apat na biktima ay nakasuot din ng  sweatshirt na kulay asul at maong pants, 5’2” ang taas, katamtaman ang pa­ngangatawan at kayu­manggi ang kutis.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal 45 pistol, isang sasakyan na kulay abo na pinaniniwalaang ginamit ng mga salarin, isang motorsiklong Kawasaki na may plakang 2091.

Ang bangkay ng mga biktima ay pansamantalang inilagak sa Toreda Funeral Homes.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CENTRAL MINDANAO REGIONAL POLICE

KAWASAKI

NORTH COTABATO

SHY

SR. INSPECTOR BENJAMIN MAURICIO

TOREDA FUNERAL HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with