Obrero binarilsa ulo, tigok
MANILA, Philippines - Tigok ang isang consÂtruction worker makaraang barilin sa ulo ng hindi nakikilalang salarin sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Herbert Loleng, 26 residente sa San Gregorio Alaminos Laguna.
Àyon kay SPO1 Randy Bantillo, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-8:20 ng gabi sa harap ng isang tindahan sa Susano Road, Barangay Novaliches Proper.
Hindi pa batid ng pulisya ang salarin na agad na tumakas matapos ang krimen.
Ayon sa saksing si Benjie Merandilla, naglalakad siya sa naturang lugar ng makarinig siya ng isang malakas na putok ng baril.
Nang kanyang linguÂnin ang pinanggalingan ng putok ay kanyang nakita na nakabulagta ang biktima sa gitna ng kalsada.
Agad siyang humingi ng tulong sa mga residente sa lugar saka ipinagbigay alam ang insidente sa awtoridad.
Sa pagsisiyasat ng SOCO, napag-alamang ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa likod ng kanyang ulo na siyang agad na ikinamatay nito.
- Latest