^

Police Metro

Bala sa ama, sinalo ng sanggol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 6 buwang gulang na sanggol ang nasa kritikal na kalagayan matapos na tamaan ng ligaw na bala habang nasa kuna nang pagbabarilin ang kanyang ama ng kaaway nito kamakalawa sa bayan ng Remedios Lim, Zamboanga Sibugay.

Ang biktima na inoobserbahan sa Ipil Municipal Hospital ay kinilalang si Rizel Pretila, nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang sanggol sa kuna sa ka­nilang bahay sa Purok Bayabas, Brgy. Ali Alsree ng bayang ito nang sumi­lip ang isang armadong lalaki na umano ay kaaway ng ama ng sanggol.

Agad inumangan ng nasabing lalaki ng baril  ang ama ng sanggol na si Roberto Pretila na nag­tatakbo sa kusina ng ka­nilang bahay upang magkubli habang pinapuputukan ng kaaway nito.

Tumakas ang nasabing lalaki matapos itong magmintis at dito ay napuna ng ina ang sanggol na uma­agos ang dugo mula sa kuna nito.

Nagsisigaw ang ina ng sanggol ng makitang may tama ang anak at mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

 

vuukle comment

ALI ALSREE

BATAY

BRGY

IPIL MUNICIPAL HOSPITAL

PUROK BAYABAS

REMEDIOS LIM

RIZEL PRETILA

ROBERTO PRETILA

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with