^

Police Metro

Nilasing muna ng kaibigan, 2 pa…Coed na-gang rape

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang 18-an­yos na kolehiyala na gagawan siya ng masama ng itinuturing niyang kaibigan matapos na sumama siya dito sa isang gimikan, subalit nang malasing ay ginahasa siya at dalawa pa nitong barkada naganap kamakalawa ng gabi sa isang kubo sa Butuan City, Agusan del Norte.

Batay sa ulat, alas-2:45 ng madaling-araw kahapon nang samahan ng dalawang concerned citizen sa himpilan ng pulisya ang biktima na itinago sa pangalang Jessa, dalaga, 3rd year college sa Saint Jo­seph Institute of Technology at residente ng Prosperidad, Agusan del Sur na halos hindi ma­ka­­gulapay sa kanyang sina­pit.

Nadakip agad ang tat­long suspek na kinila­lang sina Zcyl Jay Tecson; Jeron Paronda at James Lesther Lagaret; pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Purok 1A, Brgy. Ampayon ng lungsod na ito.

Batay sa ulat, bago naganap ang panghahalay sa biktima dakong alas-12:00 ng hatinggabi sa isang kubo ay inimbitahan siya ng kaibigang si Tecson na gumimik.

Nang malasing ang biktima matapos itong makipag-inuman kay Tecson at dalawa pa nitong barkada ay inihanda ang kubong tutulugan ng biktima dahilan malalim na umano ang gabi.

Gayunman, nang ma­katulog ang dalaga ay pi­nasok ito ni Tecson kasunod ang dalawang suspek at sinimulang ha­layin.

Nang makaraos ang tatlo ay inabandona nila ang biktima hanggang gumapang palabas ang dalaga at humingi ng tulong sa kapitbahay ni Tecson na sinamahan ito sa himpilan ng pulisya.

Nagresponde naman ang mga operatiba ng pulisya sa lugar at naaresto ang mga suspek na pa­wang nasa impluwensya ng alak.

 

 

vuukle comment

AGUSAN

BATAY

BUTUAN CITY

INSTITUTE OF TECHNOLOGY

JAMES LESTHER LAGARET

JERON PARONDA

NANG

SHY

TECSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with