^

Police Metro

Panuntunan sa pagdadala ng baril sa Kamara hiniling na repasuhin

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang mambabatas ang humiling sa liderato ng Kamara na repasuhin ang panuntunan sa pagdadala ng baril sa loob mismo ng Batasan Complex matapos ang tangkang pagpapakamatay ni outgoing Cagayan De Oro Rep. Benjo Benaldo.

Ayon kay Antipolo City Rep. Romeo Acop mahalagang malaman kung kulang o sadyang hindi ipinatupad ang regulasyon sa pagdadala ng baril sa Kamara at sa tingin nito ay mukhang hindi sinusunod ang inisyung circular na nag-aatas sa mga bodyguard ng mga kongresista na ideposito ang kanilang mga baril sa mga tauhan ng House Legislative Security Bureau kayat naipapasok ang baril sa mismong Batasan Complex.

Sinabi naman nina Laguna Rep. Benjie Agarao at Tarlac Rep. Noel Villanueva dapat tiyakin ng liderato ng Kamara ang kaligtasan sa loob at labas ng Batasan Complex at dapat na magpatupad ng mas mahigpit na gun control upang masiguro na hindi maipapasok dito ang anumang uri ng baril.

ANTIPOLO CITY REP

BATASAN COMPLEX

BENJIE AGARAO

BENJO BENALDO

CAGAYAN DE ORO REP

HOUSE LEGISLATIVE SECURITY BUREAU

KAMARA

LAGUNA REP

NOEL VILLANUEVA

ROMEO ACOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with