^

Police Metro

Air strike: 2 Sayyaf todas, 1 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng air strike operation ang pamahalaan sa kuta ng mga kidnapper na may hawak sa bihag na magkapatid na Fil-Algerian sa Sitio Minjay, Patikul, Sulu na kung saan ay nasawi ang dalawang mi­yembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) habang isa ang sugatan kamakalawa sa Sitio Minjay, Patikul, Sulu.

Ang mga napaslang ay kinilalang sina Kasim Hajan at Rakman Malim habang ang nasugatan ay si Muhammad Nur Sawajaan, na anak ni Abu Sayyaf Sub-leader Hatib Hajan Sawajaan na nagkukuta sa kagubatan ng Sulu.

Ang mga nasabing bandido ay responsable sa pagbihag sa magkapatid na sina Linda Abdel at Nadova Abdel Basit na kapwa film maker.

Ang magkapatid  ay kinidnap ng pitong mga armadong bandido na pinamumunuan umano ni Commander Ninok Sappari noong nakalipas na  Hunyo 22 sa Sitio Baunuh, Brgy. Liang, Patikul, Sulu.

Batay sa ulat,bandang alas-11:00 ng tanghali nang ibagsak ng MG520 attack helicopter ang bomba sa pinagkukutaan ng mga bandidong Abu  Sayyaf Group.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ABU SAYYAF SUB

COMMANDER NINOK SAPPARI

HATIB HAJAN SAWAJAAN

KASIM HAJAN

LINDA ABDEL

MUHAMMAD NUR SAWAJAAN

NADOVA ABDEL BASIT

PATIKUL

SITIO MINJAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with