^

Police Metro

Inireklamong pulis escort ni Roxas sa FB lumantad

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Lumantad kahapon ang motorcycle escort ni Interior and Local Go­vern­ment Secretary Mar Roxas na si PO2 Brian Geollegue na miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) na inireklamo ng verbal abuse na ipinoste ang reklamo sa kanya sa Facebook ng isang Baste Santos.

Ayon kay PO2 Geollegue na unfair umano ang akusasyon sa kanya ni Santos na siya ay nanghiya sa ama nito na sinabihan pa umano niya nitong “Huwag kang tatanga-ta­nga” kundi ang sinabi niya ay tumingin sa kaniyang nilalakaran upang hindi makadisgrasya.

Ang nasabing insidente ay umani ng mga ne­ga­tibong ‘cyber bullying’ sa nasabing pulis.

Kaya naman ay agad na sinibak ni Roxas si PO2 Geollegue at isinailalim sa restricted custody ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Camp Crame habang hinihintay pa ang pormal na reklamo ng pamilya ng biktima.

Ayon kay PO2 Geollegue, nangyari ang insidente sa Sta. Lucia Mall sa Cainta noong Hunyo 18 ng taong ito.

Gayunman, buong pag­papakumbabang hu­mi­ngi ng paumanhin si PO2 Geollegue sa kung sinuman ang nakasagian nito upang huwag na uma­nong makaladkad pa ang kabuuan ng pambansang pulisya.

Kaugnay nito, binigyan naman ng pamunuan ng PNP-HPG ng sampung araw na palugit ang umano’y nakabangga ni PO2 Geollegue na isa-pormal ang reklamo at kung hindi ay ititigil na nila ang imbestigasyon laban dito na ituturing nilang biktima ng cyber bullying.

vuukle comment

AYON

BASTE SANTOS

BRIAN GEOLLEGUE

CAMP CRAME

GEOLLEGUE

HIGHWAY PATROL GROUP

LUCIA MALL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with