^

Police Metro

5 utas sa loob ng walong oras sa QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Sa loob lamang ng walong oras ay naiulat ng pulisya ang pagkasawi ng limang katao sa insidente ng pamamaril at pananaksak sa mga lugar sa Quezon City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Alberto Villapez, 28; Claudio Anwana, 35; Jhovel Villa, 29;  Mario Salintes; at Wilfredo Espinosa Jr., 20.

Unang naganap ang krimen sa may Pinkian 3, Zone 3, Brgy. Pasong Tamo ganap na alas-5:30 ng hapon nang pagsasaksakin si Villapez ng isang Ricardo Palermo alyas Pale.

Alas-8:30 naman ng gabi nang barilin si Salintes sa loob ng isang barung-barong sa may Country Homes, Purok 3, Brgy. Bagong Silangan.

Habang alas-10:05 ng gabi naman nang pagsasaksakin ng hindi nakikilalang salarin si Espinosa sa may Phase 2, San Roque I, Brgy. Pasong Extension, Pinkian St., Brgy. Pagasa.

Ganap na alas-2:00 ng madaling araw naman ng saksakin si Anwana sa may harap ng bahay nito sa 55 Kabigna­yaan St., Brgy. Tatalon at dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang pagsasaksakin ng hindi nakikilalang salarin ang biktimang si Villa sa may San Roque II, Brgy. Bagong Pagasa.

 

vuukle comment

ALBERTO VILLAPEZ

BAGONG PAGASA

BAGONG SILANGAN

BRGY

CLAUDIO ANWANA

COUNTRY HOMES

JHOVEL VILLA

MARIO SALINTES

PASONG EXTENSION

PASONG TAMO

PINKIAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with