^

Police Metro

Ipinagtanggol ang nobya… Nobyo patay sa holdap

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 30-taong gulang na konduktor makaraang barilin sa ulo ng isa sa dalawang holdaper nang ipagtanggol nito ang kanyang nobya habang sila ay hinoholdap sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Salvador Ocampo, konduktor ng bus at stay-in sa terminal ng pinapasukang Raymond Transport na matatagpuan sa panulukan ng Sta.Teresa at Legarda Sts. Sampaloc, Maynila nang barilin sa ulo ng dalawang hindi pa nakikilalang holdaper.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa  panulukan ng Alcantara at Lacson Sts. Sampaloc, Maynila.

Sinasabing kalalabas pa lamang ng Apitong Apartelle ng biktima at nobya nito nang sundan sila ng mga suspek at holdapin.

Unang tinutukan ng baril ang nobya ng biktima na si Erica Carabio, 18, residente ng San Pablo, Laguna at kunin ang shoulder bag nito na may lamang dalawang pirasong damit at wallet na may lamang P200.

Habang inaagaw umano ng mga suspek ang bag ng dalaga ay pumalag ang biktima at nanlaban ito kaya siya binaril sa ulo at agad bumulagta. Matapos ang kridmen ay mabilis na tumakas ang dalawang holdaper.

Sinabi ni Erica, bago maganap ang insidente ay sinabihan umano siya ng kanyang nobyo na mahal na mahal siya at handang ipagtanggol sa sino mang nais na mang-api at umagrabiyado sa kanya.

Ayon kay Erica, marahil ay nais patunayan ni Salvador ang sinabi sa kanya na ipagtatanggol siya nito hanggang sa oras ng kamatayan.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga tauhan ng MPD upang madakip ang dalawang holdpaer na pumatay sa biktima.

vuukle comment

APITONG APARTELLE

ERICA CARABIO

GLENZOR VALLEJO

LACSON STS

LEGARDA STS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RAYMOND TRANSPORT

SALVADOR OCAMPO

SAN PABLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with