^

Police Metro

Para mapalapit sa Panginoon… dagdagan ang pangungumpisal

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Dagdagan, palagiang mangumpisal at magsisi ng mga nagawang kasalanan upang higit na mapalapit sa Panginoon”

Ito ang naging homily ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villagas sa ika-8 anibersaryo ng kamatayan ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, nagdaos ng banal na misa noong Biyernes sa crypt sa ilalim ng Manila Cathedral kung saan ito nakalibing ang dating Cardinal.

Si Villegas, vice president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP),  na itinuturing na protégé at confidante ng yumaong cardinal, ay inihalimbawa ang pagtanggap ng sacrament of penance o pagkumpisal ni Sin minsan kada dalawang linggo o minsan sa isang linggo, ay mahalaga dahil dito nagaganap ang new evangelization.

 â€œThe first step to kno­wing God is recognizing God that he is God, that we are sinners and we are in need of His mercy.” Anang Obispo.

Alinsunod sa batas ng Simbahan, ang mga Katoliko ay may obligasyong tapat na ikumpisal ang kanilang mga seryosong kasalanan minsan isang taon.

Ginawang halimbawa ni Villegas na ang minsan isang taon lamang na pangungum­pisal o paghingi ng tawad sa Diyos ay kahalintulad ng pagpapalit ng medyas ng minsan isang taon lamang.

ALINSUNOD

ANANG OBISPO

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP SOCRATES VILLAGAS

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

MANILA CATHEDRAL

SI VILLEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with