^

Police Metro

3 kidnaper dedo sa engkuwentro

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng notorious na kidnapping groups na Ozamis-Waray-waray ang nasawi sa pakikipagbarilan sa mga pulis matapos na masita sa isang checkpoint kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nakilala ang dalawa sa mga nasawi sa pamamagitan ng nakuhang identification cards sina Rey Ebondias, 25, ng 219 Int. 6 Segundo St., TS Cruz, Baesa, Quezon City; Adan Surio, 37, ng Tigbao, Libangon Southern Leyte at isang hindi nakikilalang suspek na isinalarawan sa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’3”,  matipuno ang pangangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt at kulay brown na short pants.

Sa imbestigasyon, dakong ala-1:41 ng madaling-araw  nang mangyari ang engkuwentro sa may harapan ng Neopolitan Business Park (Sta. Lucia Realty and Development Incorporated) na matatagpuan sa kahabaan ng Mindanao Avenue Extension, Brgy. Greater Lagro.

Bago nito, nagsasagawa ng checkpoint ang tropa ng District Police Safety Batallion ng QCPD sa kahabaan ng Mindanao Avenue kanto ng Regalado St., patungong SM Fairview nang maispatan ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo na pawang mga walang plaka at walang helmet kung kaya pinatigil.

Sa halip na sumunod ay pinasibat ng mga suspek ang kanilang motorsiklo kaya’t hinabol sila hanggang sa makorner sa nasabing lugar at sa halip na sumuko ay binaril ang mga pulis na gumanti naman at napatay ang mga suspek.

vuukle comment

ADAN SURIO

DISTRICT POLICE SAFETY BATALLION

GREATER LAGRO

LIBANGON SOUTHERN LEYTE

LUCIA REALTY AND DEVELOPMENT INCORPORATED

MINDANAO AVENUE

MINDANAO AVENUE EXTENSION

NEOPOLITAN BUSINESS PARK

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with