^

Police Metro

Lider ng carnapping group dinakip sa korte

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga oto­ridad ang lider ng isang car­napping group sa Met­ro Manila na si Joe­mel Salvatierra habang ito ay dumadalo sa isang court hearing sa Malolos, Bulacan.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga noong Miyerkules ay ina­resto ang suspek sa bisa ng inisyung warrant of arrest ni Valenzuela City Metropolitan Trial Court Judge Teresita Asuncion-Lakandula sa kasong illegal possesion of firearm, habang ito ay dumadalo ng court hearing sa Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 12 sa kasong namang carnapping.

Ayon kay Senior Supt. Joel Pagdilao, dis­trict deputy director for administration ng QCPD, ang grupo ni Salvatierra ang responsable sa pagtangay sa sasakyan ni dating senator Nene Pimentel noong January 29, 2012 sa harap ng Unan massage parlor na matatagpuan sa kahabaan ng Shorthorn St., kanto ng Aberdeen St., Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Sinabi ni C/Insp. Ro­derick Tonga, hepe ng anti-carnapping unit ng QCPD, nagawa nilang matukoy ang kinaroroo­nan ng suspek base sa im­pormasyon na dadalo ito sa court hearing sa nasabing korte.

Agad nilang inantaba­yanan ang pagsulpot ni Salvatierra sa korte kung saan bitbit ang warrant-of-arrest laban sa kanya.

Sinabi ni Tonga duma­ting umano ang suspek sa korte kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ricardo Garrido kung saan nila ito inaresto.

 

ABERDEEN ST.

BAHAY TORO

JOEL PAGDILAO

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT

NENE PIMENTEL

RICARDO GARRIDO

SALVATIERRA

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with