^

Police Metro

Rapist timbog sa ikalawang biktima

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nabigo  sa kanyang ikalawang biktima ang isang tricycle driver nang manlaban ang isang 24-anyos babae na kanyang kinalawit at gagahasain sana naganap kamakalawa ng gabi sa Juan Luna St., Tondo, Maynila.

Ang suspek na kinasu­han ng attempted rape ay nakila­lang si Mc Yoren Rapis, 23, residente ng no. 3063 Maliklik St., Gagalangin, Tondo, Maynila at nakakulong na sa MPD-Station 7.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay mag-isang naglalakad ang biktima na itinagong Jenny,  sa kanto  ng Juan Luna St., at Maliklik St. nang biglang hatakin siya ng suspek at ki­naladkad sa nakaparadang jeep.

Sa loob ng jeep ay ti­nu­tu­kan ng patalim at pina­higa ang biktima at nang hi­nahalikan ng suspek ay ti­nadyakan ito ni Jenny kaya’t nakawala at nagtatakbo.

Nagsisigaw ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga rumorondang mga barangay tanod ng Barangay 177, Zone 16, at itinuro ang direksiyon ng suspek  kaya’t hinabol ito  hanggang sa Barangay 184, Zone 16 at hindi ito naabutan.

Isinama ang biktima sa barangay hall at doon na­tukoy na nairekord ang insidente sa closed-cicuit tele­vision (CCTV)  na ipinakita naman sa mga opisyal ng ba­rangay 184 ay natukoy ang pagkilanlan ng suspek na itinawag sa MPD-station 7 para sa pag-aresto.

Naging daan din iyon upang tawagan ang nau­nang biktima na si Giselle, 22 na ginahasa sa kalye mismo, noong Hunyo 12, 2013 sa J. Abad Santos St., Tondo.

 

vuukle comment

ABAD SANTOS ST.

BATAY

BIKTIMA

JUAN LUNA ST.

MALIKLIK ST.

MAYNILA

MC YOREN RAPIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with