Lady prexy ng jeepney association, pinaslang
MANILA, Philippines -Binaril ng isang lalaki ang babaeng pangulo ng isang asosasyon ng jeepney habang ito ay naghihintay ng masasakÂyang jeepney kasama ang kapwa transport leader naganap kamakalawa ng gabi sa Edsa, Quezon City.
Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktima na si Cristina Ventura, 56, may-asawa, pangulo ng Medsam FeÂderation of Jeepney OpeÂrators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at residente sa #125 Marabagdal St., Barangay 96, Caloocan City.
Hindi pa nakikilala ang suspek na nakasuot ng itim na jacket na mabilis na tumakas.
Batay sa ulat, dakong alas-5:50 ng hapon ay naghihintay ng masasakÂyan ang biktima sa may ibaba ng footbridge ng Oliveros Edsa, Brgy. ApoÂlonio Samson para umuÂwi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang salarin sa likuran at piÂnagbabaril ang biktima.
Sa kasalukuyan ay blangÂko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang at tinitignan nila ang poÂsibÂleng may kinalaman sa hiÂÂnahawakan nitong asosasyon.
- Latest