^

Police Metro

Ginang nakisilong sa Brgy. Hall, ginahasa

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sukat akala­in ng isang ginang na may kapansanan sa pag-iisip na ang pagsilong niya sa barangay hall dahil sa baha ang magiging dahilan ng kanyang kapamahakan matapos halayin ng barangay tanod na naganap noong Hunyo 14 sa Project 3, Quezon City.

Ang suspek na inaresto  ay nakilalang si Jericho Bellen, 34, may-asawa, residente ng #87 Batino, Brgy. Amihan ng nasabing lugar na nahuli ng isang 74-anyos na si Aling Jesusa sa aktong ginagahasa ang 46-anyos niyang anak na itinago sa pangalang Joan, na may kapansanan sa pag-iisip

Agad na tumakbo papalabas ng barangay si Aling Jesusa at humingi ng saklolo kay PO2 Renato Martin at barangay tanod na malapit sa barangay hall at ipinaaresto ang suspek.

Sa panayam kay Jess Santos, Executive officer ng barangay, napunta umano ang biktima sa kanilang barangay hall matapos na makisilong matapos bahain ang kani­lang bahay ng hanggang dibdib ang taas.

Kaya naman, pansa­mantalang kinupkop ang biktima habang ang nanay nitong si Aling Je­susa ay inaasikaso ang bahay nilang binaha.

Sinampahan ng kasong rape ang suspek na nakapiit na sa himpilan ng pulisya.

 

vuukle comment

ALING JE

ALING JESUSA

AMIHAN

BARANGAY

BRGY

JERICHO BELLEN

JESS SANTOS

QUEZON CITY

RENATO MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with