^

Police Metro

BoC employees protektado ng mga pulitiko

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Protektado umano ang ilang kawani ng Bureau of Customs (BoC) ng mga pulitiko.

Ito ang ibinunyag ni  Custom Commissioner Ruffy Biazon na kanyang nadiskubre matapos makatanggap ng ng liham mula sa tatlong kongresista na pumapalag sa ginawang pagsibak sa isang empleyado dahil sa anomalya.

Ayon kay Biazon na kakaiba ang naging kultura sa ahensya na hindi lang sa mataas na mga puwesto may impluwensya ang mga political backer kundi hanggang sa middle management at clerical level pa.

Sinabi pa ni Biazon na may isang dating opisyal ng ahensya ang may political map ng mga tauhan nito sa mga departamento at tinutukoy din kung sino ang kanilang mga padrino.

Plano ni Biazon na ipagbawal sa Kongresso ang pag-endorso at rekomendasyon ng mga pulitiko o matataas na opisyal ng gobyerno, sa pagkuha o pag-promote ng mga customs personel.

Nais niya maisama na ito sa customs modernization bill at kailangan maging professional ang pagkuha ng mga tauhan sa ahensya na mga tapos sa Customs administration o mga lisensyadong customs broker.

AYON

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOM COMMISSIONER RUFFY BIAZON

KONGRESSO

PLANO

PROTEKTADO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with