Job mismatch, ugat ng paglobo ng mga walang trabaho
MANILA, Philippines - Bunsod umano ng job mismatch kaya patuloy ang paglobo ng mga Pinoy na walang trabaho, ito ay ayon kay TESDA Director General Joel Villanueva.
Ayon kay Villanueva, ang kanyang pahayag ay kanyang ginawa matapos iulat ng NEDA na dumami pa ng point 6 percent ang unemployment rate ngaÂyong taon.
Sinabi ni Villanueva, bukod sa job mismatch, masyadong mapili rin ang ating mga kababayan sa paghahanap ng trabaho at hindi sinasamantala ang mga nagbubukas na oportunidad sa bansa.
Iginiit ni Villanueva na importante ang koopeÂrasyon at partnership ng mga industriya para malaman kung anong human resources ang kailangan i-produce ng pamahalaÂan upang makapasok sa traÂbaho. Binabalangkas umano ng administrasyon ang Philippine qualifications framework at nagsasagawa ng mas malawakang pag-aaral ang ilang ahensya kung paano kukumpunihin ang curriculum sa lahat ng levels mula sa DepEd, TESDA at CHED courses para magkaroon ng job matching.
- Latest