Kalsada sa MM nalubog sa baha
MANILA, Philippines - Nalubog sa tubig baha ang makaling bahagi ng Metro Manila kahapon busod ng malakas na pag-ulan kahapon ng hapon.
Dahil dito ay tila hindi pa rin sapat ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan.
Sa post ng MMDA sa kanilang twitter account, dakong alas-3 pa lang ng hapon ay hindi na madaÂaÂnan ng mga sasakyan ang kahabaan ng España AveÂnue sa Maynila dahil sa lagpas tuhod na baha.
Halos umabot rin sa tuhod ang baha sa ilang parte ng Taft Avenue partikular sa may kanto ng Vito Cruz at Pedro Gil Street.
Binaha rin naman ang kahabaan ng President Diosdado Macapagal AveÂnue, Taft Avenue cor. EDSA, Buendia Avenue at sa FB Harrison Street sa Pasay City, sa Magallanes Avenue, Malugay Street sa Makati City, ayon sa MMDA.
Baha rin sa parte ng Rizal Avenue sa may CaÂloocan City kung saan ginagawa ang kalsada at tambak ang mga sidewalk vendors kaya halos walang madaanan ang mga sasakyan at straded ang napakaraming mga pasahero. Nagdulot din ng matinding pagbubuhol ng trapiko ang pagbabaha sa Kamaynilaan.
Una nang sinisi ng MMDA ang mga “informal settlers†na nakatira sa gilid ng mga estero at mga ilog sa Metro Manila na siyang dahilan umano ng tambak ng basura na halos hindi maubos-ubos ng kanilang mga tauhan na halos araw-araw umanong naglilinis sa mga daluyan ng tubig.
Ipinanukala ng MMDA ang malawakang “resettlement†sa mga informal settlers upang tuluyang malutas ang problema sa pagbabaha sa Metro Manila.
- Latest