Kelot binaril habang nagre-relax
MANILA, Philippines -Tuluyan nang namahiÂnga ng habambuhay ang isang 49-anyos na lalaki matapos itong barilin ng isang lalaki na angkas sa motorsiklo habang nakaupo at nagpapahinga sa harap ng isang bahay sa Quezon City kamakalawa.
Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa leeg at dibdib ay kinilalang si Edgardo Sangculi, 49, ng Road 4, Brgy. Pag-asa
Tumakas ang hindi pa kilalang suspek sakay ng isang motorsiklo na naghihintay sa kanya.
Batay sa ulat, alas-5:00 ng hapon sa harap ng isang bahay na matatagpuan sa no. 142 Road 3 ay nakaupo ang biktima nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang una.
Matapos ang pamamaril ay kaswal na nagtungo ang gunman sa kaÂsamahang nasa motorsiklo at sumibat patungo sa MinÂdanao Avenue.
Narekober sa lugar ang dalawang basyo at isang hindi pumutok na bala ng kalibre 45 baril na ginamit ng suspect sa krimen.
- Latest