^

Police Metro

4 Hired killers, timbog sa NBI

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Timbog sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army at  tat­long tauhan nito na pinaniniwalaang  hired killers  at sindikato ng gun-for-hire.

Sa pinadalang ulat ng NBI- Death Investigation Division, kinilala ang  lider ng grupo na si Staff Sgt. Robert Yadao, aktibong miyembro ng  Hukbong Katihan ng Pilipinas at mga tauhan na sina Gerry Tactacon, 41, driver; Raquel Layusa, 36, construction worker; at Danilo Galvan, 24, tricycle driver.   

Nabatid na pinasok ng NBI-DID ang lugar ng Payatas, sa Quezon City para matunton ang bahay ni Yadao,  kung saan nakuha sa loob ng bahay ng sundalo  ang isang “modified” na .45 kalibre na baril at daan-daang piraso ng mga bala.

Nahuli sina Tactacon,  Layusa at Galvan sa Kapalaran St., Commonwealth Ave., Quezon City.

Ang pagkakadakip sa  apat na suspek ay batay sa reklamo ng negosyanteng si Butch Cosme nang malaman na may plano ang grupo ni Yadao na siya ay patayin, kasama ang kanyang nanay at na­kababatang kapatid.

Pinabulaanan naman ni Yadao ang akusasyon sa kanya na plano nitong ipapatay ang negosyante at pamilya nito.

 

BUTCH COSME

COMMONWEALTH AVE

DANILO GALVAN

DEATH INVESTIGATION DIVISION

GERRY TACTACON

HUKBONG KATIHAN

QUEZON CITY

YADAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with