^

Police Metro

Dalaga ni-rape slay

Cristina Go-Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatay sa bigti ma­tapos halayin ang isang dala­gang factory worker saka iniwan ang bangkay nito sa isang bakanteng lote sa Barangay Mulawin, Tanza, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na kinilala ng pulisya ay si Rizza Gregorio 24, dalaga, factory worker na nakatira sa Barangay Mulawin ng nasabing bayan.

Hindi pa batid ng pu­lisya ang gumawa ng ka­rumal dumal na krimen sa nasabing dalaga.

Batay sa imbestigas­yon ng Tanza police, ganap na alas-2:30 ng hapon ng matagpuan ng ilang residente sa Mulawin ang nakahandusay na bangkay ng biktima sa madamo at bakanteng lote ng nasabing lugar.

Walang saplot ang buong katawan ng biktima na tanda na hinalay muna ito bago binigti o tinali ng plastic ang leeg nito hanggang sa masawi.

Hinihinala ng pulisya na nanlaban ang biktima sa suspek o mga salarin dahil sa mga nakitang pasa at sugat sa katawan nito.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, huling nakitang buhay ang biktima nitong nakaraang June 7, araw ng Biyernes ganap na alas-7:10 ng gabi sa pinagtatrabahuhan nito sa PEZA Rosario Cavite.

Simula noon ay hindi na ito nakita pa, na posible umanong inabangan ng suspek ang biktima ha­bang ito ay pauwi bago kinaladkad sa bakanteng lote at doon isinagawa ang panghahalay at pagpatay.

Narekober ng pulisya ang damit at panty ng bik­tima malapit sa bangkay nito.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang Tanza police upang matukoy at madakip ang walang pusong salarin na matapos magpasasa sa katawan ng biktima ay pinatay pa niya ito.

vuukle comment

BARANGAY MULAWIN

BATAY

BIKTIMA

BIYERNES

CAVITE

RIZZA GREGORIO

ROSARIO CAVITE

SHY

TANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with