4 tepok sa ITCZ
MANILA, Philippines - Sanhi ng nararanasang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na siyang dahilan para magkaroon ng mga pagbaha at landslide sa bahagi ng Mindanao Region ay nasawi ang apat na katao, dalawa ang nawawala habang mahigit 700 pamilya ang naapekÂtuhan.
Kinilala ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario ang mga namatay na sina Fatima Maghanoy, 12-anyos; Sherlyn Mae Maghanoy, 7; Eziquil Meziah Maghanoy, 3; pawang mga residente ng Kabalasan, Zamboanga Sibugay na nasawi sa pagguho ng lupa at Cesar Castro, 50 ng Quezon, Bukidnon na namatay sa pagkalunod.
Ang dalawang nawaÂwala ay nakilala namang sina Jonie Anastacio, 45 ng Sergio Osmena, Zambonga del Norte at Eugene Maghanoy, 9, ng KaÂbasalan, Zamboanga SiÂbugay.
Umaabot naman sa 775 pamilya ang naapekÂtuhan ng mga pagbaha sa limang barangay sa Davao City na pansamantalang nanuluyan sa mga evacuation center sa covered court ng Brgy. Hall na naÂsasakupan ng kanilang mga lugar.
Nasa siyam na bahay naman ang nawasak at 15 kabahayan naman ang nagtamo ng pinsala sa Davao City sanhi ng flashflood matapos ang ilang araw na malalakas na pag-ulan.
Umaabot na sa P2 M ang halaga ng napinsala ng kalamidad sa agriÂkultura, ari-arian at maging sa imÂprastraktura sa mga naÂapektuhang lugar.
- Latest