^

Police Metro

Parak ginulpi, todas sa tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pulis ang pi­nag­tulungang gulpihin ng dalawang lalaki na nakamatorsiklo at pagka­tapos ay kinuha ang kanyang baril at ipinutok sa mukha nito na naglagos sa likod ng kanyang ulo naganap kahapon ng madaling-araw sa Cebu City.

Namatay noon din ang biktimang si PO2 Gerlito Estremos, tinatayang mahigit 30-anyos at aktibong kasapi ng Fuente Police Station dahil sa tama ng bala ng sariling baril na cal.45 pistol na inagaw ng mga suspek.

Sa imbestigasyon, ban­dang alas-2:00 ng mada­ling-araw sa kahabaan ng P. del Rosario St., ng lungsod ay kasalukuyan umanong nagpapatrulya ang biktima lulan ng motorsiklo dahil panggabi ang duty nito.

Pumarada umano ang biktima sa R. Landon St., nang biglang sumulpot ang motorcycle ri­ding-in-tandem na mga suspek at agawin ang helmet.

Hinabol ng pulis ang mga suspek na inabutan niya sa kahabaan ng P. del Rosario St., hanggang sa makorner ng una ang mga suspek at nang magsibaba sa motorsiklo ay pinagtulungang bugbugin ang biktima na hindi pa nakuntento ay inagaw ang baril nito ng bumagsak sa lupa ay binaril sa mukha.

vuukle comment

CEBU CITY

FUENTE POLICE STATION

GERLITO ESTREMOS

HINABOL

ISANG

LANDON ST.

NAMATAY

PUMARADA

ROSARIO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with