^

Police Metro

14-anyos nagbigti sa ilalim ng tulay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posible anya na ang kapaguran sa pagtatrabaho sa murang edad bilang ‘rubber tapper’ ang dahilan ng pagbibigti sa ilalim ng tulay ng isang 14-anyos naganap kamakalawa sa Tampilisan, Zamboanga del Norte.

Ang biktima ay kinilalang si Johnmark Sorino, residente ng Brgy. Galingon, Tampilisan ng lalawigang ito.

Batay sa ulat, bandang alas-12:30 ng tanghali nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakabigti sa ilalim ng tulay ilang metro ang layo mula sa bahay nito.

Sa salaysay ng lola ng biktima na si Lolita Peralta na ito ang ikalawang pagkakataon na tinangka ng kaniyang apo ang magpakamatay.

Ayon pa sa matanda nagrereklamo na umano ang kanyang apo sa pagtratrabaho bilang ‘rubber tapper’ dahilan sobrang nakakapagod ito.

Nabatid na ang biktima ay produkto ng wasak na tahanan at sa lola niya lang ito nakikitira.

 

vuukle comment

AYON

BATAY

BRGY

GALINGON

JOHNMARK SORINO

LOLITA PERALTA

NABATID

NORTE

POSIBLE

TAMPILISAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with