^

Police Metro

2 pumatay sa hs student sa Taguig kilala na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang manhunt ope­ra­tion ang inilunsad ng Taguig City Police para madakip ang dalawa sa anim na kalalakihan na napagtripang gulpihin at saksakin hanggang sa mapatay ang isang 17-anyos na high school student noong Lunes ng gabi.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Albert Diaz, 19-anyos, alyas “Ka­lawit”, ng Purok 2, New Lower Bicutan at isang Keano Torres, ng Brgy. Central Signal.

Ang mga ito ay kabi­lang sa anim na gumulpi at sumaksak at nakapatay sa biktimang si Danrev Escaro, residente ng Cen­tral Signal Village at estudyante ng Signal Vil­lage National High School.

Batay sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi ay bu­mi­bili ng sigarilyo ang biktima sa isang tindahan sa Magsaysay St., South Signal nang mapagtripan ng anim na salarin na gulpihin at saksakin na nagresulta ng pagkasawi ng biktima.

Nabatid naman na hindi pumasok ng paara­lan si Escaro sa unang araw ng pasukan at sa halip ay tumambay na lang kasama ang mga kabarkada sa Brgy. South Signal.

ALBERT DIAZ

BRGY

CENTRAL SIGNAL

DANREV ESCARO

KEANO TORRES

MAGSAYSAY ST.

NATIONAL HIGH SCHOOL

SHY

SOUTH SIGNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with