^

Police Metro

Mister at kabit huli ni misis palabas ng motel

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Halos sumabog sa galit ang isang misis matapos na mahuli niya ang mister kasama ang kalaguyo nito habang papalabas sa isang motel kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kaya naman ipinaaresto ng ginang na itinago sa pangalang Pia ang mister nito na si Marvin Bacani, 37 at ang umano’y kalaguyo nito na si Margarette Marie Mesina sa mga pulis.

Sa salaysay ng ginang sa pulisya, sa 10 taong pagsasama nila ng kanyang mister at nabiyayaan ng apat na anak na kung saan ay wedding anniversary nila ngayon ay apat na beses niya itong nahuli na nambababae na pinapatawad din niya agad kapag ito ay nakikiusap at nangangako na magbabago.

Bandang alas-8:31 ng gabi nang i-text siya ng babae gamit ang cellphone ng mister at ipinaalam na sila ay nasa loob ng Sogo Motel na matatagpuan sa Quezon Avenue.

Agad na umarkila ng FX taxi ang ginang para abangan ang paglabas ng dalawa at dakong alas-11:55 ng gabi ay lumabas ang mga ito kung kaya’t pinaharang niya sa driver ng FX ang daraanan hanggang sa nagpambuno ang tatlo.

Tiyempo namang may nagpapatrulyang tropa ng barangay tanod sa lugar at nakita ang pangyayari na agad namang hiningan ng tulong ni Pia at dinampot ang mga ito saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Nakatakdang kasuhan ang dalawa ng adultery.

 

vuukle comment

BANDANG

KAYA

MARGARETTE MARIE MESINA

MARVIN BACANI

MISTER

NAKATAKDANG

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

SOGO MOTEL

TIYEMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with