^

Police Metro

Misis patay, lover kritikal sa dating mister… lintik lang ang walang ganti!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 45-anyos na ginang habang nasa kritikal na kondisyon ang live-in partner nito matapos na sila ay pagbabarilin ng dating mister ng una na gumanti matapos na hiwalayan na naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Salaan, Zamboanga City.

Ang biktima na nasawi noon din dahil sa tama ng bala sa ulo ay ki­nilalang si Victoria Alejandro, habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Zamboanga City Medical Center  ang lover nitong si Angelo Alvarez nasa hustong gulang, binata.

Tumakas naman ang suspek na si Elvin Alejandro, ang mister na hiniwalayan ng ginang bago ito nakipag-live-in kay Al­varez.

Batay sa ulat, ng Police Regional Office (PRO) 9 bandang alas-9:30 ng umaga nang sugurin ng galit na galit na mister ang bahay ng dating misis at lover nito na matatagpuan sa Zone 2, Brgy. Salaan ng lungsod.

Nabatid na kagigising lang ng mag-live in nang sila ay pasukin ng suspek at pagbabarilin.

Ayon sa pulisya na posibleng umabot na sa sukdulan ang galit ng suspek matapos siyang hiwalayan ng ginang noong  nakalipas na Pebrero ng taong ito at naki­pag-live in sa nasabing lalaki na higit na mas bata at maskulado kaysa sa suspek.

Matapos pagbabarilin ang mag-lover ay mabilis tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon bitbit ang armas na ginamit nito sa kri­men.

vuukle comment

ANGELO ALVAREZ

AYON

BRGY

ELVIN ALEJANDRO

POLICE REGIONAL OFFICE

SALAAN

VICTORIA ALEJANDRO

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with