^

Police Metro

Chairman patay sa tandem

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang barangay chairman sa Pasay City makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki na riding-in-tandem, kamakalawa ng tanghali.

Hindi na umabot ng buhay sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Ronnie Laylo, chairman ng Barangay 153 Zone 16 at residente ng 366 Edang St., ng naturang lungsod.  Nagtamo ng tama ng bala ng hindi mabatid na kalibre ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Sa imbestigasyon ng Pasay Police, dakong alas-11:30 ng tanghali ng pumarada ang isang motorsiklo sa tapat ng tindahan ng biktima na abalang nag-aayos ng kanilang mga paninda. 

Bumaba ang angkas ng motor na nakasuot pa ng helmet at agad na nilapitan ang biktima saka sunud-sunod na pinagbabaril. Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng kanilang motorsiklo patungo sa direksyon ng EDSA.

Tulad ng mga nakaraang insidente, bigo na naman na makaaksyon agad ang Pasay Police sanhi para tuluyang makatakas ang mga salarin.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa pulitika ang naturang pamamaslang o may iba pa itong dahilan.

vuukle comment

BUMABA

EDANG ST.

INAALAM

MABILIS

NAGTAMO

PASAY CITY

PASAY POLICE

PATAY

RONNIE LAYLO

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with