^

Police Metro

Patayan sa Baseco ikinaalarma ng pulisya

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Ikinaalarma na ng pu­lis­ya ang magkakasunod na pagpatay sa ilang bahagi ng Baseco Compound, Port Area, Maynila ng mga hindi pa kilalang suspek na hinihinalang mi­yembro ng sindikato na nagkukuta sa lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang pagbabarilin ang isang la­laki na bumisita lang sa mga kaanak nito sa nasabing lugar.

Nitong Mayo 25, isang retired Philippine Coast Guard (PCG) na si Domingo Ramirez Jr., 51, residente ng Habitat, Baseco Compound, Port Area, Maynila ay pinagbabaril din at sinasabing kakandidato bilang tserman sa lugar ngayong Ok­tubre.

Isa pang di kilalang lalaki na  dayo din sa lugar ang pinagbabaril  at napatay dahil sa tinamong 11 tama ng bala sa katawan sa bahagi ng Block 9, Ba­seco Compound noong Mayo 10.

Kahapon ng alas-6:00 ng umaga, matapos itumba si Canapia ay natagpuang  patay ang duguang deli­very boy na si Michael Abad, 31, ng Aplaya, Ba­seco Compund, na may apat na tama ng bala sa katawan.

Bukod pa ito sa halos linggo-linggo at magkakasunod na patayan sa Baseco Compound nitong taon at mga nakalipas na taon.

APLAYA

BASECO

BASECO COMPOUND

DOMINGO RAMIREZ JR.

MAYNILA

MICHAEL ABAD

NITONG MAYO

PHILIPPINE COAST GUARD

PORT AREA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with