Batas nilagdaan ni P-Noy… mabigat na parusa sa nagmamaneho ng lasing at nakadroga
MANILA, Philippines - Papatawan ng maÂbiÂgat na parusa ang siÂnuÂmang indibidwal na mapapatunayang lasing o nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot matapos na lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act 10586 nitong Mayo 27.
Sa ilalim ng bagong batas ay mandatory na ngayon ang pagsailalim sa alcohol at drug tests ng mga driver na nasasangkot sa aksidente.
Nakasaad pa sa baÂgong batas, ang mga mapaÂpatunayang lumabag dito ay papatawan ng multa na hanggang P500,000 at pagkakakulong na hangÂgang sa reclusion temporal kung nasawi ang biktima sa aksidente.
“If someone is caught and is proven to have been driving under the influence of alcohol or dangerous drugs, if the violation did not result in physical injuries or in death, the penalty is imprisonment of three months and a fine ranging from 20,000 pesos to 80,000 pesos. The fines get heavier if the violation results in physical injury. The fine goes up to 100,000 to 200,000 and, also, the imprisonment-the penalty for imprisonment also goes up. If the vioÂlation involves homiÂcide, the fine goes up to 300,000 to 500,000 as well as the penalty for imprisonment,†giit pa ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
- Latest