^

Police Metro

4 bata nilamon ng lupa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilamon ng lupa ang apat na bata sa naganap na landslide sa Purok 4, Brgy. Sayao, Kabasalan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Fatima Maghanoy, 12; Eugene Maghanoy, 9; Sherlyn Maghanoy, 7; at Eziquel Me­ziah Maghanoy, 3.

Batay sa ulat, ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca, dakong alas-2:30 ng hapon nang maitala ang insidente sa nasabing lugar.

Lumalabas sa ulat, kasalukuyang nagpapahinga ang mga bata sa ina­bandonang bahay na pag-aari ni Semion Buray matapos abutin ng mala­kas na pagbuhos ng ulan.

Ilang sandali ay big­lang dumagundong ng ma­lakas at kasunod nito ay natabunan ng lupa mula sa gumuhong bundok ang bahay na kinaroroonan ng mga bata.

Nagsisigaw pa umano ang mga magulang ng mga biktima para palikasin sa lugar ang mga anak, pero sa isang iglap ay tuluyang nilamon ng lupa ang bahay na sinilungan ng mga ito.

Ang landslide ay sanhi ng malalakas na pag-ulan sa lugar dulot ng Inter Tropical Convergence Zone.

Patuloy ang isinasa­gawang paghahanap ng search and rescue team sa mga biktima.

 

vuukle comment

EUGENE MAGHANOY

EZIQUEL ME

FATIMA MAGHANOY

INTER TROPICAL CONVERGENCE ZONE

POLICE REGIONAL OFFICE

SEMION BURAY

SHERLYN MAGHANOY

SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with