Sunog sa Mandaluyong at Quezon City
MANILA, Philippines -Nawalan ng bahay ang may 150 pamilya sa naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Sa ulat, dakong alas-9:20 ng gabi nang magsimula ang sunog na tuÂmupok sa tinatayang may 30 bahay sa Abelas Compound sa Barangay Mabini J. Rizal ng lungsod.
Aabot sa mahigit kalahating milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog at walang naiulat na nasaktan o nasawi dito.
Nabatid na ang sunog ay nagsimula sa bahay ng isang Delia Suan at inaalam kung natumbang kandila o napabayaang kalan.
Umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula.
Samantala, umabot naman sa P300,000 ang mga ari-ariang naabo matapos na masunog ang may anim na kabahayan sa Quezon City kahapon ng hapon.
Ayon sa ulat, ang sunog ay nagsimula umano sa bahay ng isang Marissa Munoz, sa no. 39 Sain John St., Pingkian I Compound, Brgy. Pasong Tamo, ganap na alas-2:00 ng hapon na idineklarang fire out matapos ang isang oras.
- Latest