Naaktuhan na ginagahasa… rapist ng ate inutas ni utol
MANILA, Philippines -Napatay ng isang 15-anyos na binatilyo ang isang lalaki na naaktuhang nitong nakakubabaw sa kanyang ate na pinupuwersang halayin kamakalawa sa Brgy. Bollilising, Villaviosa, Abra.
Namatay noon din ang suspek na si John Paul BarÂbero, 29, binata, empleyado ng Department of Social Worker and DeÂvelopment (DSWD) at residente ng Brgy. ApaÂpaya sa bayang ito dahil sa mga tinamong taga sa iba’t ibang parte ng kaÂÂtaÂwan.
Batay sa ulat, bandang alas-11:00 ng umaga ay nagtungo ang binatilÂyong susÂpek na itinago sa pangalang Vic sa kanilang kubol na paÂtuyuan ng tabako nang maaktuhan nito ang suspek habang sinisibasib ng halik ang kaniyang ate na itinago sa pangalang Sheena na nakikipagpambuno sa biktima na pinupuwerÂsang hubaran para gaÂhasain.
Si Sheena ay 21-anÂyos, dalaga at isang casual employee ng Medicare Hospital ay matagal na umanong pinagpapantasÂyahan ng biktima.
Nagalit ang suspek at kinuha ang itak at piÂnagtataga ang biktima na nakadagan sa kanyang umiiyak na ate.
Naaresto naman ng mga nagrespondeng pulis ang binatilyo at nareÂkober rin ang itak na ginamit nito sa pamamaslang sa suspek.
- Latest