^

Police Metro

Pulis napatay ng kabaro sa kampo

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang bagitong pulis matapos na ito ay aksidenteng mabaril ng kanyang kabaro na pinaglaruang baril naganap kamakalawa malapit sa gate ng Camp Lt. Gen Cabal, Olongapo City.

Ang nasawi ay kinilalang si PO1 Rogene Estrada, 31, ng San Felipe, Zambales.  Habang ang suspek na tumakas ay nakilalang si PO1 Alexander Sanico Qui­ming, 37, pansamantalang nakatira sa nasabing kampo at nakatalaga sa Olongapo City Public Safety Company.

Batay sa ulat, dakong alas-8:40  ng umaga ay kausap ni Quiming ang dalawa pang pulis na sina PO2 David Domingo at PO2 Wilmon Jaudian malapit sa gate ng kampo na ang pinag-uusapan ay tungkol sa kanilang midyear bonus.

Habang nag-uusap ay binunot ni Quiming ang kanyang kalibre .38 at paglaruan nang aksidenteng makalabit ang gatilyo at pumutok na kung saan ay tinamaan si Estrada na nasa dalawang metro lamang ang layo sa kanila.

 Agad na isinugod sa Our Lady of Lourdes International Medical Center ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nadiskubre din si Quiming ay kasalukuyang suspindido mula sa PNP service mula noong Mayo 1 hanggang Hunyo 29, 2013 sa ilalim ng Special Order Number 429, na may petsang May 6, 2013 at ang baril na pinaglaruan ng suspek ay walang lisensiya.

vuukle comment

ALEXANDER SANICO QUI

CAMP LT

DAVID DOMINGO

GEN CABAL

HABANG

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY PUBLIC SAFETY COMPANY

OUR LADY OF LOURDES INTERNATIONAL MEDICAL CENTER

ROGENE ESTRADA

SAN FELIPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with