^

Police Metro

Alitan sa lupa: Bunso dinedo ni kuya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na lalaki ang binaril at napatay ng kanyang kuya matapos na magtalo tungkol sa kanilang lupain naganap kamakalawa sa Brgy. Madduang, Kabuga, Apayao.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Donald Balatoc, na sumabog ang mukha nang malapitang binaril ng kanyang kuya na si Nolie.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay katatapos lang na mag-picnic ang pamilya Balatoc sa Madduang River at habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay ay biglang binunot ng suspek ang baril na nakatago sa baywang nito at pinaputukan sa mukha ang kapatid at pagkatapos ay tumakas.

Lumalabas sa imbestigasyon na may kinikimkim na galit ang suspek sa biktima dahilan sa malaking bahagi ng kanilang lupaing sakahan ang namana nito sa kanilang mga magulang.

vuukle comment

APAYAO

BALATOC

BATAY

BRGY

DONALD BALATOC

ISANG

KABUGA

LUMALABAS

MADDUANG

MADDUANG RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with