8 Pulis utas sa NPA ambush 7 malubhang nasugatan…
MANILA, Philippines - Nasawi ang walong pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) habang pito ang malubhang nasugatan nang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa hangganan ng Brgy. Cataratan at Brgy.Centro West, Allacapan, Cagayan.
Kinilala ang mga nasawing sina PO3 Vladimir Tabajero, PO3 Dexter Cobilla, PO1 Eric Brioso, PO2 Angelbert Mateo, PO2 Elmart Rodney Bay, PO1 Jerome Sandeng PiÂnated, PO2 Jaime Powat at PO2 Ronald Castulo.
Mabilis namang isiÂnugod sa Ballesteros District Hospital ang mga nasugatan sina PO2 RoÂnald Gomez, PO1 Ephrain Doleto, PO2 Jeopano Adang, PO1 Ryan Asciano, PO2 Ricky Monay, PO2 Joefrey Amilagan at PO2 Joefrey Eliseo.
Batay sa ulat ni Chief Supt. Rodrigo de Gracia, Director ng Police Regional Office (PRO) 2 Director, bandang alas-8:30 ng umaga ay bumabagtas sa nasabing lugar ang police vehicle na sinasakyan ng 15 SAF personnel ng 24th Special Action Company sa pamumuno ni TabareÂjo para sumalang sana sa medical examination nang paulanan ng bala ng tinatayang nasa 30 reÂbelde.
Matapos paulanan ng bala ay mabilis na nagsiÂtakas ang mga rebelde paÂtungo sa direksyon ng kagubatan.
Ipinag-utos na ni De Gracia ang malawakang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga rebeldeng NPA na nanambang.
Nabatid na ito na ikalawang dagok sa security forces matapos ang madugong pananambang sa Sulu noong Sabado na ikinasawi ng pitong tauhan ng Philippine Marines, siyam pa ang nasugatan habang sa hanay ng mga bandido ay tumaas na sa pito ang nasawi habang sampu naman ang naitalang nasugatan.
- Latest