^

Police Metro

Baywalk cop nangotong ng rider

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pulis-Maynila na nakatalaga sa Baywalk Police Community Precinct ang inireklamo nang pangongotong ng isang motorcycle rider na kanyang sinita kamakalawa sa Roxas Boulevard, Maynila.

Ang suspek ay kinilalang si PO1 Esmael Balon Nor, na sapilitang kinuha umano ang P38,000 cash sa biktimang si Mark Jason Gatdula, 25 ng Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, sa pagitan ng ala-1:30 at alas-2:00 ng hapon noong Linggo nang sitahin ni PO1 Nor ang nakamotorsiklong si Gatdula, 25 na nakahinto sa kanto ng Roxas Boulevard pakaliwa sa Pedro Gil dahil sa green ang stop light.

Nang tanungin kung bakit, sinagot lamang si Gatdula ni PO1 Nor  na patingin umano ng lisensiya at papeles ng motorsiklo at siya ay kinapkapan.

Nang mapansin umano na nakaumbok ang bulsa sa kapal ng pera ay kinuha ito at sinabihan siya na   â€œMagre-remit kayo ah,”. Muli siyang umapela na wala na siyang gasolina sa motor kaya inutusan siyang sumunod sa isang parking lot at doon inabutan siya ng P4,000 mula sa kinuha sa kaniyang P38,000.

 

vuukle comment

BATAY

BAYWALK POLICE COMMUNITY PRECINCT

ESMAEL BALON NOR

GATDULA

ISANG

MARK JASON GATDULA

MAYNILA

NANG

PEDRO GIL

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with