Tag-ulan na sa Hunyo
MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ay tinaya ng PAGASA ang pagpasok ng tag-ulan.
Ayon kay Meno Mendoza, weather specialist ng PAGASA, dahil madalas na ang mga pag-uulan at nagsisimula nang magpakita ng mga senyales ang mga weather stations nila para sa inaasahang pagsisimula ng ulan sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.
Batay sa latest monitoring ng kanilang tanggapan, ang Chinese garden station nila sa Maynila ay nagtala ng 24mm na tubig, ang Cavite Sangley point station nila ay nakatikim na ng 2 araw na pag-ulan at ang Port Area manila station nila ay nakatikim na ng pag-ulan mula kahapon.
Anya, kailangan ay 25 mm na tubig ang maitala sa bawat station na nabanggit, ang senyales na tag-ulan na sa bansa.
- Latest