^

Police Metro

10,000 pulis ipapakalat sa pagbubukas ng klase

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magpapakalat ng 10,000 pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Ito ang inihayag ni NCRPO chief Police Director Leonardo Espina, na ang layunin ay  mabigyan ng sapat na seguridad ang mga estudyante, matulungan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagmo-monitor laban sa mga mapagsamantalang negosyante na magtataas ng presyo ng mga school supplies.

Iniutos din ni Espina ang paglalagay ng Police Assistance Desks (PADs) sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan at pamantasan upang mabilis na makapagbigay ng serbisyo sa mga estud­yante at maprotektahan ang mga ito sa masasamang ele­men­to ng lipu­nan.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

ESPINA

INIUTOS

MAGPAPAKALAT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

POLICE ASSISTANCE DESKS

POLICE DIRECTOR LEONARDO ESPINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with