^

Police Metro

Driver binoga ng tandem, tigok

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang jeepney driver ng da­la­wang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang ang biktima ay nagpapa-gas sa isang gasoline sta­tion sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang si Carlos Deocariza, 28 ng Bagong Silang Caloocan City ay dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center.

Ayon kay SPO1 Joselito Gagaza, may-hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-5:00 ng hapon sa Flying V gasoline station sa Philcoa, Old Capitol Suite, Diliman, Quezon City.

Sinabi ni Edmund Estacio, isa sa mga nakakita sa insidente, habang nagpapakarga ng gas ang biktima nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Paghinto ng motorsiklo, agad na bumaba ang angkas nito at nagbunot ng baril saka supresang pinagbabaril ang walang kaalam-alam na biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad na sumakay ang suspek sa kanilang get away at pinaharurot ito patungo sa Eliptical Road papalayo.

Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala ng kalibre 45 baril. Hindi pa batid ang motibo ng krimen.

vuukle comment

BAGONG SILANG CALOOCAN CITY

CARLOS DEOCARIZA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDMUND ESTACIO

ELIPTICAL ROAD

FLYING V

JOSELITO GAGAZA

OLD CAPITOL SUITE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with