Obrero nabasag ang bungo sa concrete barrier
MANILA, Philippines -Isang construction worker ang nasawi matapos aksidenteng bumagsak sa kanyang ulo ang isang concrete barrier sa loob ng isang warehouse sa Malabon City kamakalawa.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Justino Llaga, biÂnata, ng Purok 6 Dulong Hernandez, Barangay Catmon ng lungsod.
Batay sa ulat, alas-5:10 ng hapon sa loob ng warehouse na pag-aari ng Maruzen Property, na matatagpuan sa Barangay Longos, Malabon City ay nagtatahip ng bigas ang biktima sa tabi ng piÂtong talampakang taas ng concrete barrier nang aksidenteng natumba at bumagsak sa kanyang ulo.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga pulis kung may naganap na foul play at kung may pananagutan ang may-ari ng nasabing warehouse.
- Latest