^

Police Metro

Manyakis tinira ng pepper spray

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hindi umubra ang isang lalaking manyakis sa isang dalaga na hinihipuan nito sa loob ng pampasaherong jeep nang tirahin siya ng pepper spray kahapon  ng umaga sa Quezon City.

Ang suspek na naaresto ay kinilalang si Ernesto Rodriguez, 34 na dinamba ng mga ka­la­­lakihang hini­ngan ng tulong ng biktimang si Giardine Datiles, 30, associate litigation document specialist matapos mahilo sa pepper spray na tinira sa kanyang mukha.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay magkatabi ang biktima at suspek sa isang pampasaherong jeepney nang hipuan ng huli ang dibdib ng una. 

Sa pag-aakalang nasagi lamang ipinasya ng biktima na dumistansya ng kaunti sa suspek, subalit tumabi muli ito sa biktima at muling hinipuan sa dibdib pagda­ting sa harap ng citymall complex sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Brgy. Old Capitol Site.

Kaya’t agad na kinuha ng biktima ang dala niyang pepper spray at direktang tinira ang mukha ng suspek at saka humingi ng tulong sa mamamayan at inaresto ang huli.

Ang suspek na nakapiit sa PS9 ay nahaha­rap sa kasong acts of las­ci­viousness.

vuukle comment

BATAY

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

ERNESTO RODRIGUEZ

GIARDINE DATILES

KAYA

OLD CAPITOL SITE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with