Motor sumingit, angkas napisak ng trak
MANILA, Philippines -Nasagasaan ang ulo ng isang babae na angkas sa motorsiklo nang matumba ito matapos na masagi ng ten wheeler truck matapos sumingit kahapon ng umaga sa Quirino Highway, San Andres Bukid, Maynila.
Ang biktima na idinekÂlarang dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ay nakilalang si Jovelyn MaÂrial Ladio habang sumuko naman ang suspek na si Tito Villanueva, 37 ng 25 B-Ilang-Ilang St., Lower, Bicutan, Taguig City, driver ng ten wheeler truck (UVE-735).
Batay sa ulat, alas-11:30 ng umaga ay tinatahak ng mga biktima ang northbound ng Quirino Avenue sakay ng kanilang kulay pulang Honda TMX nang sumiÂngit sa unahang trak na naÂging dahilan para maÂbangga ang kanang bahagi ng motor kaya pumihit pakaliwa, subalit nawalan ng balanse dahilan upang sumemplang ang biktima at nagulungan ang ulo na walang suot na helmet.
- Latest