^

Police Metro

Buhay partylist nangunguna

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sa isinasagawang partial at official canvassing ng Commission on Elections (Comelec), tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) ang  Buhay partylist ang siyang nangunguna sa bilangan.
Batay sa datos ng NB­OC, ang Buhay Hayaan Yu­mabong o BUHAY  ay may 1,255,734 boto; nangunguna rin sa bila­ngan ang Advocacy for Teachers Empowerment Through Action Coope­ration and Harmony Towards Educational Reforms na may 1,033,873 boto; Bayan Muna na may 945,639; 1st Consumers Alliance for Rural Energy Inc. na may 931,303 boto; Akbayan Citizens Action Party na may 820,351 boto.

Sumusunod naman ang Ako Bicol na may 761,115 boto; ABONO na may 753,161 boto; OFW Family Club na may botong 735,854; GABRIELA  na may 706,194 boto at ang Coalition of Association of Senior Citizens in the Philippines na may botong 671,916.
Ayon sa batas, ang mga partidong makakakuha ng minimum na 2% ng total valid votes cast para sa party-list system ay makakakuha ng isang pwesto sa Kamara de Representantes ngunit hindi naman pinahihintulutan ang isang partido na makakuha ng higit sa tatlong party-list seats.

Kailangang maka­pag­proklama ng 58 party-list seats ang NBOC, o 20% ng kabuuang bilang ng mga kinatawan sa Kongreso.

AKBAYAN CITIZENS ACTION PARTY

AKO BICOL

BAYAN MUNA

BOTO

BUHAY HAYAAN YU

COALITION OF ASSOCIATION OF SENIOR CITIZENS

CONSUMERS ALLIANCE

FAMILY CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with