^

Police Metro

8-anyos todas sa 12-anyos kuya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inakalang laruan ang isang shotgun na ipinutok ng isang 12-anyos na batang lalaki sa kanyang 8-anyos na kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Siay, Zamboanga Sibugay.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Jonel Rufino Rosal.

Habang nasa state of shock naman ang kapatid na itinago sa pangalang Ramil.

Batay sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi ay nag­lalaro ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Sibuguey, Siay ng taguan nang makita  ng suspek ang shotgun na nakatago sa ilalim ng kama sa loob ng isang silid na inuokupa ni Dasio Lumbuanon sa naturang bahay. 

Sa pag-aakalang la­ruan ay agad na itinutok ng suspek ang baril sa kaniyang kapatid saka kinalabit ang gatilyo nito na sumapul ang bala sa dibdib ng biktima na duguang napabulagta sa in­sidente.

Napasugod ang ina ng mga biktima sa pinagmulan ng putok at humaha­gulgol itong niyakap ang duguang anak na wala ng buhay.

vuukle comment

BATAY

BRGY

DASIO LUMBUANON

HABANG

INAKALANG

JONEL RUFINO ROSAL

NAMATAY

SIAY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with