^

Police Metro

Misis ng sundalo dinukot ng Abu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang isang ginang na misis ng isang sundalo na naganap kahapon ng umaga sa Jolo, Sulu.

Ang biktima ay kinilalang si Casilda Villarasa, 41 anyos, medical technologist ng Sulu Provincial Health Office, residente ng Brgy. Asturias ng lalawigang at misis ni Sgt. Faustino Villarasa ng Philippine Marines.

Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng umaga  habang ang biktima ay patungo sa ospital kasama ang 9- anyos na anak nitong babae na si Valeria Villarasa nang harangin sila ng mga armadong kalalakihan at kaladkarin ang biktima  pasakay sa nakaparadang get away vehicle ng mga kidnaper na  tumahak patungo sa direksyon ng Brgy. Kasanyangan, Jolo.

Narekober naman ng mga nagrespondeng ele­mento ng Provincial Police Safety Company ang inabandonang get away vehicle ng mga kidnapper na isang kulay itim na may pagkaabong L300 van (GMU 787).

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

CASILDA VILLARASA

FAUSTINO VILLARASA

JOLO

PHILIPPINE MARINES

PROVINCIAL POLICE SAFETY COMPANY

SULU PROVINCIAL HEALTH OFFICE

VALERIA VILLARASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with