^

Police Metro

Parak todas sa nakamotor

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na nakauwi ng buhay sa kanilang bahay ang isang pulis matapos itong pagbabarilin habang may binibili sa tindahan ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital ay nakilalang si PO2 Jayson Aragon, 35, may-asawa, nakatalaga sa Police Regional Office-4 San Mateo Police Station at residente sa #65 Kaunlaran St., Brgy. Commonwealth ng  lungsod. Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa katawan at ulo.

Nasugatan naman sina Raymart Cadsawan, 21, nang barilin sa sikmura ng mga suspek dahil sa pinapahinto nito  ang mga suspek habang tumatakas sakay ng motorsiklo.

Habang sugatan din nang tamaan naman ng ligaw na bala si Rolando Herado, 29.

Batay sa ulat, dakong alas-10:05 ng gabi ay papauwi na ang biktima sa kanilang bahay na sakay ng kanyang motorsiklo matapos ang pagtatrabaho bilang mobile crew ng San Mateo Police Station nang huminto ito sa isang sari-sari store sa Kamagong St., Brgy. Commonwealth para may bilhin.

Dito ay sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang mga suspek na agad naglabas ng baril ang angkas at pinagbabaril ang biktima na kung saan ay tinamaan ng ligaw na bala si Herado.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

JAYSON ARAGON

KAMAGONG ST.

KAUNLARAN ST.

POLICE REGIONAL OFFICE

QUEZON CITY

RAYMART CADSAWAN

ROLANDO HERADO

SAN MATEO POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with